United States or Myanmar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi namin matiyak ngayon, kung ang "voces" ay sadyang nasa "Floranteng" sinipi namin. May paniwala kami ngayong iyan ay nakuha lamang sa "boses" ng nasa "Kun sino ..." at bagama't nabago namin ang "b" ay nakaligtaan na ang unang "s" at di nagawang "c". At ang paniwalang ito ngayon ay lalong pinagtitibay ng mga kasalit na "voces" sa iba't ibang dako.
Ang "iklog" ay kasalit ng "itlog", ang "ista" ng "isda", ang "maselang" ng "maselan", ang "kaanak" ng "ának" o "angkan", ang "kaagad" ng "agad" o "agadagad", ang "gaang" ng "gaan"; at ibig nang makipagkamali ng "laan" sa "taan", ng "takda" sa "tadhana", ng "kagalawad" sa "kagawad", ng "alumana" sa "alintana", ng "tagapaglaganap" sa "tagapamansag" o "tagasiwalat", ng "kabulastugan" sa "kabalbalan", atbp.