United States or Luxembourg ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindi masabi kundi "kapatid ko", "tula ko", "irog mo", "kasama niya". Walang ano mang ligazon . Nguni't kapagkarakang naging "n" ang katapusan ng salita ay narito na agad ang "paglalaro ng dila" at masagwang paggamit sa pangpagandang ligazon . Ang ligazon o pang-ugnay ay pangpaganda lamang, pang-alis ng kagarilan; nguni't kapag naman sumagwa ay nagiging tunay na kagaguhan, sa pangdingig natin ngayon.

BIANAN. Ano ang lasa ninyo sa "titic ng Monarcang caniyang bianan"? Ito ay nakasulat na "bienan" sa iba, bagama't sa matandang diksionario ay talagang "bianan"; ano nga sa pangdingig ninyo ang "caniyang bianan"? Maikli baga o sukát na? Sa pakinig namin ay maikli, gaya rin naman ng "itinapon" sa tulang: "Touáng pan~galauá cong hindî man Lan~git ang itinapon nang mahinhing titig"...

Ganyan din ang ginagawa sa "kailangan" at sa "mayroon", sinisira at isinusulat ng "kaylangan" at "mayron" gayong paano man ang gawin, ang "kaylan" at ang "kaylangan" at "mayron ay lumalabas din, sa pangdingig, na "kailan" "kailangan" at "mayroon". At ang ganyan ay hindi isang "kalayaan" kundi tunay na "kaalipnan". Kaalipnan sa Ortograpía! Pangsira sa pangdingig, ano man ang gawin.

Ang "iya" sa "niyari", "niyaón" at "nagcacalisiya ay pinapagdaraang parang isang pantig lamang, kung minsan. Marahil ay sapagka't kung minsa'y nagiging "isang pantig lamang sa pamimigkas". Bakit ay di naman nakasusugat sa pangdingig.

Kaya, itinumpak at ginawang "nakaligtaan ko" ng "Kun sino ..." at ni P. Sayo. Marami ang makikitang ganito sa aklat na ito na sakali mang hindi kasagwaan, nang panahon ni Balagtas, ay itinuturing na nating isang kasagwaan, sapagka't nakasusugat na sa pangdingig ngayon.

Hindi makalayo sa bilangguan ng Ortograpía; at "di kailangang maging pilay man sa pangdingig, huwag lamang maging kulang o maging labis sa kumpas ng Ortograpía". Kung sa bagay ay tunay ngang napakaselan sa bilang ang tulang tagalog. Walang pagtatalo ukol dito.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap