United States or Israel ? Vote for the TOP Country of the Week !
Subali't walang anoano'y tinanggap n~g kanyang m~ga tayn~ga ang ganitong malambing na tawag n~g birheng iyon na wari'y naghihimala sa harap niya: ¡Magtuloy ka, Tirso! At ang lalaki'y napalin~gon sa kabila. At ang babae, sa gayong pagkakimi, ay madaling nakahalata. Kaya't sa nakakikiliting kilos ay itinanong n~g boong lamyos: ¿May hinihintay ka bang kasama?
Anopa't sapul nang gumitaw sa kanyang dibdib ang kutob na pinagmamaliwan na't nililimot siya n~g babaeng nan~gako n~g pagtatapat, ang nakakikiliting kilos at anyo ni Elsa nang gabing mapanhikan niyang aawitawit na nagiisa sa loob n~g bahay, at ang matiwalang pagsama sa kanya noon hanggang sa bangka, saka ang nilalaman n~g mahabang liham na ipinadala sa kanya, ay hindi lamang m~ga pangyayaring laging sariwa sa alaala ni Tirso kundi nagdudulot din naman sa kanyang puso n~g bagong damdaming sinisibulan n~g bago ring pagasa ... Ang buhay n~g tao ay nasasalalay sa gulong n~g Kapalarang walang humpay na umiinog.
Salita Ng Araw