United States or Australia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Waring nagdudulot sa kanya ng lugod ng puso at kaligayahan ng damdamin. Kay sarap ng simoy ng hangin! Anong sarap kung masanghap! Kay bango ng simoy na dala ang mga kabanguhang humahalimuyak sa mga bulaklakan! Ang gabing yaon ay isang gabing puno ng pangarap at tulain! Sa kanya, ang gabi, ay waring nagpapahiwatig ng isang kaligayahan ng puso!

Ang napapalaman ay ganito: «Ikaw na wari'y nagdudulot sa maralita kong buhay n~g isang maligayang lunas ay pinasasalamatan ko n~g labis, n~guni't ... ¡ay!... mahirap n~g mangyari ang maiwasan ko pa ang hulíng sandalíng ikapupugtó n~g aking pagasa. Gayón ma'y maraming salamat» Matapos kong mabasa ang sulat ay inihanda ko na ang lahat n~g tao at pinagbilinan n~g m~ga gagawing alinsunod sa utos mo.

Bakit? anong nagbigay daan at nawili siyang manahan sa siudad na itong puno ng hiwaga? Sa pagkakita niya kay Leoning na waring lalong nagibayo ngayon ang ganda kay sa noong naroon pa sa lalawigan ay siyang lalo namang nagdudulot sa kanyang puso ng malaking pananabik at pakikipagtagpo sa binibini. Halos ang bawa't tunog ng orasan ay kanyang narinig sa boong magdamag.

Hindi na maalaman n~g babae kung ano ang kanyang isasagot. Ang himig n~g m~ga katagang iyan, na bagama't marahang ibinubulong sa kanya'y naririnig naman n~g boong linaw hanggang sa liblib na liha n~g kanyang puso, ay labis na nakababalisa sa kaluluwa niya at nagdudulot sa kanyang diwa n~g di mapaglabanang pan~gamba.

Maging saan man siya naroon ay para sa kanya ay kasama niya si Leoning. Kung bakit? Sapagka't sa mga balintataw ng kanyang mga mata ay waring nakadikit na ang larawan ni Leoning na, hindi napapawi. At, sa gunita pa kaya naman niya mapawi? Oh, makalilibong hindi! Waring kung naaalaala niya si Leoning ay para bang nakikita niyang nagdudulot sa kanya ng ngiti.