United States or Norfolk Island ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kung ang lahat ng mga aklat na susulatin natin ay maitutulad sa aklat na ito aklat na naglalarawan ng isang buhay at mga pangyayaring may tatak tagalog, tagalog na uri't lasang tagalog din ay hindi sasalang sa araw ng bukas ay buong dangal na nating masasabi na may wika tayong talagang sarili at damdami't diwa na ating atin din.

Ipinahiwatig niyá at ipinakilala kay Ernesto ang kanyang pag ibig, bagay na tinanggap ni Ernesto ng boong galak at pagdiriwang na tulad sa usok na pumapaitaas at kusang napaparam sa himpapawid isang panagimpan; pagka't ng si Ernesto ay sumapit sa kaniyang tahanan, at muling suriin sa kaniyang isip ang mga nangyari, ay isang malakás na ¡Hindi ...! ang narinig niyang ipinaghihiyawan ng boong lakás ng kaniyang "conciencia" ginamit ni Ernesto ang kaniyang pagkapusong bakal, kinuha ang panitik at inakda ang dulang "SA TABI N~G BAÑGIN", dulang naglalarawan ng buhay nila ni Magdalena.

Puhunang walang puso at mapanginis; manggagawang napaghaharian ng biglaang simbuyo ng loob at napasusuko ng munting siphayo; aklasang sa tabi-tabi lamang pinagkakaisahan at hindi bunga ng isang pagliliming mahinahon; isang Pablong napakakasangkapan sa Puhunan, sa bísa ng masasarap na pangako at isang Gervasiong puno ng aklasan nguni't alagad ng kahinaang loob at ng kawalang-pagasa; isang Maurong masugid na alagad ng Bagong Panahon nguni't mahinahong gayon na lamang, at kahinahunang hindi nagtapos sa mabuti kundi sa loob ng bilangguan; saka aklasang sa gulo natapos at namatay sa kusang pagpatay ng manggagawa rin ... iyan ang sa aklat na ito ng kaibigang Arsciwals ay boong liwanag na naglalarawan.

Ang m~ga tula n~g makata ay bihirang hindi naglalarawan n~g alinman sa m~ga pook na yaong pinagtatamasahan n~g aliw n~g kanilang kaluluwa. Bihirang hindi bumabanggit sa maliligayang sandali n~g kanilang pagsisinaya sa kahilihiling kapalaran. At walang bigong talatang di nagpapagunita sa mestisa n~g nagtatamisang pangyayaring nangyari sa mabiyayang panahon n~g kanilang suyuan....

Naraanan ko ng buong lugod ang mga talatang naglalarawan ng mga "kamusmusan" nina Edeng at Manuel, ang matatamis na sandaling yaon ng kanilang paglalaro ng mga larong ganap na tagalog gaya ng taguan, piko-piko, tubigan, at dumating ako sa mga talatang ang dalawang musmos ay unti-unti nang nangasisipasok sa mapanghalinang "buhay ng damdamin". Pagdating ko rito ay lalong nagulol ang pagkagiliw ko sa aklat kaya't buong pananabik kong sinundan si Edeng at Manuel hanggang sa makarating sa huli.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap