United States or Pakistan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang nalalagnat na, dahil sapagca siya,i, bubulutun~gin, ay hindi sucat painumin nang man~ga maiinit na nacapagpapa-pauis; caya ang alac, ang triaca, ang mainit na silid at ang maraming damit ay nacacalubha sa maysaquit. Maraming lacsang tauo ang namatay dahilan doon sa man~ga ganoon. Dahil dito sa pagbabaños na ito, ay dungmadalang ang bulutong sa ulo.

Ang nalalagnat nang ganitong lagnat, cun minsan ay dinoroonan sa noo nang man~ga sisiu, calapati, ó ibang hayop na biniac, sapagca ang isip nang man~ga mangagamot, na nacucuha at nadadala niyong man~ga hayop na yaon ang pinacacamandag nang saquit; datapoua masamang gauin ito, sapagca nacacahirap at nacacalubha bagcus sa maysaquit. Nota.

Ang man~ga maysaquit tinatabin~gan, quinucumutan, linilibutan nang maraming tauo, sinasarhan naman ang lahat na pinto,t, dun~gauan; itong lahat na gauang ito,i, nacacahirap sa maysaquit, at nacacalubha sa caniya; na ang ualang saquit ma,i, hindi macacapagtiis noon.

Sa saquit nang Pulmonía , at sa naguiguing ético dahilan doon, hindi sucat gamitin ang trementina , ang man~ga bálsamo, ang incienso, ang almáziga, ang mirra , ang camanguian, at ang bálsamo nang azufre, pati yaong gamot na pinan~gan~ganlang antiético, sapagca nacacalubha bagcus sa maysaquit yaong man~ga bagay na yaon.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap