United States or Andorra ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni't si Elsa Balboa ay hindi paris n~g balanang mestisa. Sa dinamidami n~g naaamuyan kong nan~gin~gibig sa kanya, ay iisa lamang naman si Silveira na nakalalamang sa akin. Di siya katulad n~g ibig mong ilarawan na may pusong tuwina'y may pitak sa sangdaan mang pan~galan.
Sasabihin ko na lamang sa iyo, kung talagang wala kang naaamuyan, na marapat mong pagsisihan ang pagkakilala sa babaeng sayang at naging aking kababayan. ¡Naku, Silveira, may katotohanan pala ang bulun~gang kumakalat sa amin bayan tungkol kay pari Casio at kay Teang! ¿Ano?...