United States or Tanzania ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa tanggapan n~g m~ga tagapan~gasiwa n~g karnabal sa Luneta ay nan~gahahanay na n~g boong ayos ang nagpapan~gagaw sa gandang m~ga larawan n~g m~ga kandidatang nan~gagsipagwagi sa timpalak n~g isa't isang pahayagan, bukod-tan~ging hindi mahan~gaan n~g balanang nagsasadya roon ang larawan n~ga ni Teang.

N~guni't si Elsa Balboa ay hindi paris n~g balanang mestisa. Sa dinamidami n~g naaamuyan kong nan~gin~gibig sa kanya, ay iisa lamang naman si Silveira na nakalalamang sa akin. Di siya katulad n~g ibig mong ilarawan na may pusong tuwina'y may pitak sa sangdaan mang pan~galan.

Ang mabuti, mama, ay dalhin ninyo agad sa ospital ang inyong senyora. ¡ Ambulancia ! Samantalang paganyan ang m~ga sambitlaing nagpapalipatlipat sa bibig n~g maraming nakasaksi sa gayong kusang ginawa ni Elsa, si Tirso naman, na ipinalalagay n~g balanang nakamalas sa anyo n~g dalawa na asawa n~g mestisa, ay hindi magkantututo sa marapat gawin. Elsa ... Elsa....

"Laban sa dating lubusang pagtitiwala niya sa aking pinagaralan, ay itinanong sa akin n~g kapatid ko, sa ayos na kapitapitagan at nakapangyayari, kung ano ang di sasalang sinasapantaha n~g balanang nakabatid sa gayong ating ginawa, na anopa't para bang inilagay sa alinlan~gan ang kalinisan n~g pagkababae ko buhat sa gabing iyon...."