United States or Czechia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindi ko hinihintay, ; hinding hindi n~ga, na sa iyo'y mamugad ang isang pusong may tiwali at di wastong paniniwala. ¡Sayang! ; hindi ko inaasahan, na ikaw pala ay may isang puso at damdaming marupok, upang huwag kong sabihing imbi. Mauro; hindi rin naman lubos na gaya n~g paniniwala mo ... ang nakan~giti pa ring tugon n~g kinakausap. ¿At ano ang maitatawag sa iyong inaasal?

Inanyayahan kong sumama sa lihim n~g kahoy na ating pinan~galin~gan, na siya kong napiling maguing saksi n~g kapaslan~gan kong kakamtin; anyayang hindi sinalansang kahit bahagyâ at malugod pinaunlakan; n~guni't di pinahintulutan n~g pagkakataon na maganap, ang aking aasalin at isang malakas na buhawi'y binakli ang marupok na kahoy, na niyaong una, ay di man lamang nagagamit sa ano mang kailangan n~g tao at siyang humadlang na nagbigay wakas sa aking kaawa-awang anak.

Ito ang nasang lagì sa panimdim, na napapanaginip, ang karañgalan ñg babaying kabiak ñg pusó at karamay sa tuá ó hirap ñg buhay: kung dalaga, ay sintahin ñg binatá, di lamang dahilan sa ganda ó tamis ñg asal, kundí naman sa tibay ñg pusó, taas ñg loob, na makabuhay baga at makapanghinapang sa mahiná ó maruruwagang lalaki, ó makapukaw kayá ñg madidilag na pagiisip, pag isang dalaga bagang sukat ipagmalaki ñg bayan, pagpitaganan ñg iba, sapagka at karaniwang sabi sabi ñg mga kastilá at pari na nangagaling diyan ang karupukan at kamangmañgan ñg babaying tagalog, na tila baga ang mali ñg ilan ay malí na nang lahat, at anaki'y sa ibang lupá ay walá, ñg babaing marupok ang loob, at kung sabagay maraming maisusurot sa mata ñg ibang babai ang babaying tagalog..... Gayon ma'y dala marahil ñg kagaanan ñg labí ó galaw ñg dilá, ang mga kastilá, at parí pagbalik sa Espanya'y walang unang ipinamamalabad, ipinalilimbag at ipinagsisigawan halos, sabay ang halakhak, alipustá at tawa, kundí ang babaing si gayon, ay gayon sa convento, gayon sa kastilang pinatuloy, sa iba't iba pang nakapagñgañgalit; sa tuing maiisip, na ang karamihan ng malí ay gawá ñg kamusmusan, labis na kabaitan, kababaan ñg loob ó kabulagan kayang kalalañgan din nila..... May isang kastilang nagayo'y mataas na tao na, pinakai't pinatuloy natin sa habang panahong siya'y lumiguyliguy sa Filipinas ... pagdating sa Espanya, ipinalimbag agad, na siya raw ay nanuluyang minsan sa Kapangpañgan, kumai't natulog, at ang maginoong babaying nagpatuloy ay gumayon at gumayon sa kanya: ito ang iginanti sa napakatamis na loob ng babayi ... Gayon din ang unang pahili ng pari sa nadalaw na kastila, ay ang kanyang mga masusunuring dalagang tagahalik ng kamay, at iba pang kahalo ang ñgiti at makahulugang kindat ... Sa librong ipinalimbag ni Dn.

Marinig sa bibig n~g asawa niya ang isang pagsisi sa kanyang ginawa at ginagawa sa kapakinaban~gan n~g marami, bakit ay naisurot pa nito na kung ano at kung bakit hahalohalo sa m~ga "chismes," ay doon na pinanglupaypay na lalo ang kanyang marupok na puso sa haráp n~g m~ga nakahahalinang amuki ni Pablo. Kaya't pagkalipas n~g ilang sandali ay napilitang magsalita. ¿Paano ang iba kong kasamahan?

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap