United States or Monaco ? Vote for the TOP Country of the Week !


Parang walang namamalas na tao sa kanilang palibid, ay sapupo n~g isang kamay n~g lalaki ang maliit na baywang n~g babae, at ang isang palad nito'y matiwalang nakakapit sa balikat niyon, samantalang sa bawa't bulun~gan ay halos nagkakadampian na ang kanilang labi at ang nakahilig na mukha n~g isa ay di binabaklas sa pagkakadikit sa isa pa ... Ang masasayang n~giti't makahulugang m~ga sulyap ay di ikinukubli sa sinomang maaaring makapuna sa kanilang anyong nakatatawag n~g loob, at ang m~ga puso ay mahihinuhang sinasakbibi noon n~g kaligayahang pabihibihirang ipagbiyaya n~g panahon sa tao.

Ito ang nasang lagì sa panimdim, na napapanaginip, ang karañgalan ñg babaying kabiak ñg pusó at karamay sa tuá ó hirap ñg buhay: kung dalaga, ay sintahin ñg binatá, di lamang dahilan sa ganda ó tamis ñg asal, kundí naman sa tibay ñg pusó, taas ñg loob, na makabuhay baga at makapanghinapang sa mahiná ó maruruwagang lalaki, ó makapukaw kayá ñg madidilag na pagiisip, pag isang dalaga bagang sukat ipagmalaki ñg bayan, pagpitaganan ñg iba, sapagka at karaniwang sabi sabi ñg mga kastilá at pari na nangagaling diyan ang karupukan at kamangmañgan ñg babaying tagalog, na tila baga ang mali ñg ilan ay malí na nang lahat, at anaki'y sa ibang lupá ay walá, ñg babaing marupok ang loob, at kung sabagay maraming maisusurot sa mata ñg ibang babai ang babaying tagalog..... Gayon ma'y dala marahil ñg kagaanan ñg labí ó galaw ñg dilá, ang mga kastilá, at parí pagbalik sa Espanya'y walang unang ipinamamalabad, ipinalilimbag at ipinagsisigawan halos, sabay ang halakhak, alipustá at tawa, kundí ang babaing si gayon, ay gayon sa convento, gayon sa kastilang pinatuloy, sa iba't iba pang nakapagñgañgalit; sa tuing maiisip, na ang karamihan ng malí ay gawá ñg kamusmusan, labis na kabaitan, kababaan ñg loob ó kabulagan kayang kalalañgan din nila..... May isang kastilang nagayo'y mataas na tao na, pinakai't pinatuloy natin sa habang panahong siya'y lumiguyliguy sa Filipinas ... pagdating sa Espanya, ipinalimbag agad, na siya raw ay nanuluyang minsan sa Kapangpañgan, kumai't natulog, at ang maginoong babaying nagpatuloy ay gumayon at gumayon sa kanya: ito ang iginanti sa napakatamis na loob ng babayi ... Gayon din ang unang pahili ng pari sa nadalaw na kastila, ay ang kanyang mga masusunuring dalagang tagahalik ng kamay, at iba pang kahalo ang ñgiti at makahulugang kindat ... Sa librong ipinalimbag ni Dn.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap