United States or Turkey ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang magsasapatos ay sinidlan ng takot at nasabi sa sarili: Pinatay; hinubdan ng damit at inihagis dito; kung lapitan ko ay baka ako pa ang mapahamak. Kanyang linagpasan, tinalikdan na sa kanyang paningin ang taong yaon. Makaraan ang sandali, ay lumingon siya at nakita niyang ang tao'y lumayo sa pader at gumalaw na wari tinititigan siya.

Isang magsasapatos ay nananahanan sa isang nayon na kasama ang kanyang asawa't anak. Ang tinapay ay mahal, at may kahirapan ang panahon; kung gaano ang makita niya ay kanilang pinagkakasiya, siya'y walang anumang tinatangkilik at ang kanyang asawa'y wala kundi iisang chuba na totoong luma na.

Gumagabi na at ang magsasapatos ay nagkantitignan. Anong naroon? Wala namang batong maputi. Baka ba kaya, yaon? Hindi, hindi mandin baka. Ayon sa ulo ay tila isang tao; nguni't bakit maputi? At bakit magkakatao rito? Lumapit si Semel at lubos nalinawan! Katakataka! Tao nga; buhay o patay? Nakaupo, na hubad; nakasandig sa pader ng simbahan, hindi gumagalaw.

Iniisip ng magsasapatos na siya'y makauutang ng mga katad; datapwa't di siya pinagkatiwalaan ng maytinda. Bayaran mo ako, ang sabi sa kanya, at pumili ka ng iyong ibig, sapagka't alam na namin kung gaano kahirap ang maningil.

Pinaghirapan namin ng paglalabas sa vozok . Inutusan ako sa inyo ng asawa ng barini , na sinabing: Pumaroon kang sabihin mo sa magsasapatos, na ang gawin ay sandalyas na pansuot sa bangkay at huwag bota na gaya ng ipinasadya ng barini . Sabihin mong ipagmadalian. Ikaw ay maghintay at dalhin mo ang mga sandalyas.

May ilan nang taong naghahanap ng salapi ang magsasapatos upang maibili ng mga balat ng tupa at ng kanyang magawang bagong chuba o pambalabal. Sa kapit nayon ay may nagkakautang sa kanya ng limang rublo at dalawang pung kopek . Isang umaga ay pinasiyahan ng magsasapatos na maghanap ng mga katad.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap