United States or Madagascar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nais sa inyo ng asawa ng barini na humaba nawa ang inyong buhay. Hindi pu nagawing dumating na buhay sa bahay. Namatay sa vozok o karwahe. Dumating kami, aking pinagbuksan at nakita kong nakatimbuwang at bangkay.
Pinaghirapan namin ng paglalabas sa vozok . Inutusan ako sa inyo ng asawa ng barini , na sinabing: Pumaroon kang sabihin mo sa magsasapatos, na ang gawin ay sandalyas na pansuot sa bangkay at huwag bota na gaya ng ipinasadya ng barini . Sabihin mong ipagmadalian. Ikaw ay maghintay at dalhin mo ang mga sandalyas.
Salita Ng Araw