United States or Hong Kong ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nakikilala mo ba kung anong uri iyan? Pinitik ni Semel ang katad at nagsabing: Iyan po ay pinakamabuting uri. Oo nga, iya'y pinakamabuting uri, tulig; kailanman ay hindi ka nakakita ng gaya niyan; iyan ay katad na galing sa Alemanya, nalaman mo ba? Ang halaga ng katad na iyan ay dalawampung rublo . Si Semel ay natatakot-takot na tumugon: Paanong ibig ninyong kilalaning ko? Mabuti.

May ilan nang taong naghahanap ng salapi ang magsasapatos upang maibili ng mga balat ng tupa at ng kanyang magawang bagong chuba o pambalabal. Sa kapit nayon ay may nagkakautang sa kanya ng limang rublo at dalawang pung kopek . Isang umaga ay pinasiyahan ng magsasapatos na maghanap ng mga katad.

Lalong magaling ang itanong mo sa akin kung sino ang taong ito. Pasimulan mong sabihin sa akin kung saan mo iniwala ang kuwarta, ang tugon ng asawa. Dumukot si Semel sa bulsa at inilitaw ang tatlong rublo . Eto ang kuwarta; si Trofimoy ay hindi nagbayad, nangako sa akin bukas na. Si Matrena ay lalong nag-init.

Nagbihis, nagkubong sa ulo ng isang panyo, isinilid sa bulsa ang tatlong rublo , kinuha ang kanyang tungkod at pagkatapos na makapag-agahan ay yumaon. Sisingilin ko sa muhik ang limang rublo , aniya, idaragdag ko rito sa tatlo, saka ko ibibili ng mga katad na magagawang chuba .

Ikaw ay may kinakaing bunga ng iyong lupa, at ako upang kumain ay kailangang bumili; kailangan ko'y tatlong rublo sa bawa't sanlinggo; kung dumating ako sa bahay ay wala nang pagkain at maggugugol pa ako uli ng isang rublo't kalahati. Pagbayaran mo nga ako ng iyong utang. Papaganito ang kanyang anyo hanggang sa nakarating sa tabi ng isang simbahan, at may namataan sa likuran nuon na wari maputi.

Salita Ng Araw

lubos

Ang iba ay Naghahanap