United States or Denmark ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindi magawing maipaaninaw ni Semel, na dalawampung kopek ang kanyang iniinom at gayon din na kung paanong kanyang nasumpungan ang kanyang kasama; ayaw paraanin ni Matrena ang kanyang salita, sunud-sunod ang kanyang salita, sunud-sunod kung tugunin siya. Pati nuong nangyari ng may sampung taon, ay ipinamumukha pa sa kanya. Salita pa ng salita, at saka tinagnan si Semel sa manggas.

May ilan nang taong naghahanap ng salapi ang magsasapatos upang maibili ng mga balat ng tupa at ng kanyang magawang bagong chuba o pambalabal. Sa kapit nayon ay may nagkakautang sa kanya ng limang rublo at dalawang pung kopek . Isang umaga ay pinasiyahan ng magsasapatos na maghanap ng mga katad.

Hindi nga nangyari ang panukala ng mag-sasapatos; wala naman siyang dala, liban na sa dalawampung kopek na kanyang nasingil sa pagtatagpi ng isang valenki na sa kanya'y ipinagawa. Sa sama ng kanyang loob ay napasa isang tindahan ng alak at iniinom ang kanyang dalawampung kopek saka yumaong walang dalang katad.

Sulong ..." Ganyan ang pagbabayad ng dalawampung kopek lamang. Anong mapapakinabang sa dalawampung kopek ? Itungga ng alak at wala na. Saka sasabihingAng hirap!" ¡Aha, aha! ¿Ang hirap ko nga? Ikaw ay may bahay, may hayop at lahat ng kailangan, at ako'y walang anuman.

Pagsapit sa kanyang sinadyang nayon ay tinungo ang bahay ng muhik . Ang muhik ay nakaalis na: at ipinangako na lamang ng baba na sa linggo ring yaon ay dadalhin ng kanyang asawa ang kuwarta, nguni't walang ibinigay. Sa ibang bahay ay ipinagtapat sa kanya na walang maibabayad, kundi dalawang kopek muna.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap