United States or Ireland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ako'y mamatay, n~gayong namamalas na sa silan~ganan ay namamanaag yaong maligayang araw na sisikat sa likod n~g luksang nagtabing na ulap. Ang kulay na pula kung kinakailan~gan na maitim sa iyong liway-way, dugo ko'y isabog at siyang ikinang n~g kislap n~g iyong maningning na ilaw.
Dati mo n~g alam ang hindi pag-imik kung naguulayaw; ako'y pinipipi n~g aking paggalang, n~g aking pagsuyong mataos, dalisay. Pinunit sa harap upang makilala ang alab n~g aking sinimpang pag-sinta, diyan masusubok ang mithi ko't pita, diyan masisinag ang luksang pag-asa. Wala ka n~gang sala...! Ang kurus n~g hirap ay dapat matirik sa dusta kong palad!
Waring matatapos na ang lahat sapagka't tila ba nakikita na lamang ni Eduardo ngayon ay isang luksang libingan na hantungan ng madlang dusa sa buhay. Dahil sa sumpa mong nilimot ay wala na siyang nakikita pang liwayway ng magandang palad, ng magandang pagasa, wala na, sawi na siya, pusong walang kaaliwan, walang pagasa at nilimot ng kasuyuan.