United States or Guernsey ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ay ano'i, caguinsa-guinsá na sa panonoód niya, ay parang pinucao bagá ang caniyang ala-ala. Tinutóp nanga ang noó at nag uica nang ganito, abá at nalimutan co yaóng bilin nang leproso. Sa ibabá'i, tumingin siya ay may bahay ngang naquita, lumacad na capagdaca itóng príncipeng masiglá. Nang dumating sa hagdanan napatano capagconan, capagdaca ay dumungao isang ermitañong mahal.

Ang man~ga leproso ay gayon din naman caya't nagpupuri silang walang humpay, ang dakilang ban~go'y sumikip sa baya't nasamyo nang lahat yaong casarapan. Malacas na voces ay narin~gig nila uica'y cabuhayan n~gayon nang lahat na, at ito ang araw nang mahal na graciang caloob na tunay nang Dios na Amá.

Anitong leproso't, badyá maguinoó po aniya, na cun may baon cang dalá aco po'i, limosán mo na. Sa Dios po alang-alang aco'i, iyong cahabagán, cun gumaling ang catauan ay aquin ding babayaran. Isinagot ni don Juan aco nga'i, mayroong taglay, natirang isang tinapay na aquing baon sa daan. Dinucot na capagdaca yaong tinapay na isa, caniyang ibinigay na sa leproso na naquita.

Anitong leproso bagá don Juan maghihirap ca, at sa pagca't, encantada yaon ngang ibong Adarna. Nguni't, ngayon ang bilin co ay itanim sa pusó mo. at nang hindi sapitin mo na icáo ay maguing bató. Sa iyong paglalacad diyan ay may cahoy na daratnan, diquít ay di ano lamang cauili-uiling titigan. Doo', huag tumiguil ca na sa cariquitan niya, totoong ualang pagsala don Jua'i, mamamatay ca.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap