United States or Kyrgyzstan ? Vote for the TOP Country of the Week !


At nag-uica nang ganitó ang matandang ermitaño, sino bagáng quinunan mo mahalagáng barong itó. Sagót ni don Jua't, badyá nuno po ay maquinig ca, sa aquin ang may padalá ermitañong matanda na. Ang sagót nang ermitaño don Juan ay sabihin mo, ang sadyá mo ay cun anó nang iyong pagcaparito. Isinagót ni don Juan ganito po ay paquingán ang sadyá co po at pacay ang reino nang de los Cristal.

Ay ano'i, caguinsa-guinsá na sa panonoód niya, ay parang pinucao bagá ang caniyang ala-ala. Tinutóp nanga ang noó at nag uica nang ganito, abá at nalimutan co yaóng bilin nang leproso. Sa ibabá'i, tumingin siya ay may bahay ngang naquita, lumacad na capagdaca itóng príncipeng masiglá. Nang dumating sa hagdanan napatano capagconan, capagdaca ay dumungao isang ermitañong mahal.

Ngayo'i, hindi maisip co sa Dios itong secreto, anaqui'i, si Jesucristo ang mahal na ermitaño. Nang matapos ang pagcain ermitaño ay nagturing, don Jua'i, iyong sabihin cun anong sadyá sa aquin. Isinagot ni don Juan sa ermitañong marangal, gayon po'i, iyong paquingan at aquing ipagsasaysay. Ang sadyá co po aniya dahil sa ibong Adarna, igagamót na talagá sa hari pong aquing amá.

Ay hindi co naalaman ang reino nang de los Cristal, at malayong caharian ang hanap mong pinapacay. Tingnán cun sa aquing sacop sa hayop cong nangag-libot, cun canilang naa-abot cahariang cristalinos. Sa pintó ay lumapit na campana'i, tinugtog niya, nagsidating capagdaca madlang hayop na lahat na. Doon sa pagcacapisan nang lahat niyang familiar, itinanong capagcuan nitong ermitañong mahal.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap