United States or Paraguay ? Vote for the TOP Country of the Week !
Anang matanda'i, ganitó ang pagcatahan co rito, nang aco'i, mag-ermitaño ualóng daang taóng hustó. Ay hindi co naalaman cahariang de los Cristal, anhin co'i, malayong lugar ang sadyá mong linalacbay. Tingnán cun sa aquing sacop ibong naglipád sa bundóc, cun canilang na aabot yaong reinong cristalinos. Sa pintua'i, lumapit na campana'i, tinugtóg niya, tanang ibo'i, capagdaca nagcatipong para-para.
Ay hindi co naalaman ang reino nang de los Cristal, at malayong caharian ang hanap mong pinapacay. Tingnán cun sa aquing sacop sa hayop cong nangag-libot, cun canilang naa-abot cahariang cristalinos. Sa pintó ay lumapit na campana'i, tinugtog niya, nagsidating capagdaca madlang hayop na lahat na. Doon sa pagcacapisan nang lahat niyang familiar, itinanong capagcuan nitong ermitañong mahal.
Salita Ng Araw