United States or Brazil ? Vote for the TOP Country of the Week !


Guinugunam-gunam co, póng maigui ang laman nang inyong sulat, at pinagbubulay-bulay co, po, cung ano,t, anong guinagaua co rito sa Maynila; at sa uala acong naalamang masamang guinagaua co rito, ay iniisip co, , cung sino caya ang baliu ó maopasalang tauong nacasira nang inyo póng mahal na capayapaan nang loob, nang pagbabalita sa inyo nang mañga sinoñgalin at maling balita, at uala rin, , acong maisip, na sucat cong pagbingtañgan; caya, po, ang totoo ang sasabihin co sa inyo.

Puso,i, bahag-ya na dalauin nang sindac, anaqui ay laguing nasa sa panatag, inaalintana anomang bagabag, caya n~ga,t, malapit sa pagcapahamac. Pagca,t, ualang hantong sa balang maisip at dili gunita anomang pan~ganib, houag lamang hindi masunod ang nais; n~guni,t, sa hatol co,i, siya,i, naquiquinig.

Sagot ni Romeo, "¿sa palad co'y baquit, sa iyo'y tumamang linoob n~g lan~git maligayang gandang di dapat maisip n~g alin mang pantas sa lupa'y maauit? Mula n~gayo'y sa iyo sumpa co't asahan sa mahal mong yapac dapá aco't laan utos mo ay leying tupdin co't igalang at aco ang lihim n~g iyong carictan."

Hindi niya lubos maisip ang sanhi n~g kung bakit samantalang ang ilang magigiting na kawal n~g pawis ay nagpapakasákit sa pagtataguyod n~g aping karapatan n~g m~ga manggagawa upang pagkatapos ay kilalanin n~g m~ga mapaniil na puhunan, ay marami rin naman sa m~ga manggagawa ang walang sinasamantala kundi ang gayong m~ga kilusan upang makasunod sa masamang nasa at kinamihasnan n~g puso na pagpapasasa sa m~ga tungkulin at gawain n~g m~ga nagsisiaklás, sa kapakinaban~gan at kagalin~gan nilang sarili.

Nalumbay si María, at nabalisa at nahapis si Josef, sa hindi maisip cun ano ang dahilan nang pagcauala ni Jesus, at cun ano ang nangyayari; datapua hindi dumaing, at hindi nasirá ang loob niya, at malaquing ligaya ang quinamtan sa icatlong arao nang pag lalacad casama si María, sapagcat naquita nila sa templo si Jesús, na nacaupô, at naquiquipagsagutan sa man~ga pantas, na nagpulong doon, at lubhang nagtataca sa mataas na carunun~gan nang batang caharap.

At nasa lupa na'y kinakaladkad din ang hunghang na Ama nang anak na taksil at iniwan na n~gang hahalihalinghing at doon na lamang buhay ay nakitil. Kaya n~ga't ang anak ay nang umuwi na dinatnan sa lupa ang bangkay nang Ama madlang nanunuod niyong datnan niya na hindi maisip yaong pagtataka.

Tinanggap ni Próspero ang sulat nang caniyang ina; binasa niyang minsan, macalaua, macaitlo pa; guinunamgunam niyang maigui ang nañgapapalaman doon; at natulig siyang tuloy. At sa di maisip niya, cung ano cayá mabuting sagot sa caniyang ina, ay isinanguni naman niya itong bagay na ito sa caniyang mañga casamang estudiante .

Ngayo'i, hindi maisip co sa Dios itong secreto, anaqui'i, si Jesucristo ang mahal na ermitaño. Nang matapos ang pagcain ermitaño ay nagturing, don Jua'i, iyong sabihin cun anong sadyá sa aquin. Isinagot ni don Juan sa ermitañong marangal, gayon po'i, iyong paquingan at aquing ipagsasaysay. Ang sadyá co po aniya dahil sa ibong Adarna, igagamót na talagá sa hari pong aquing amá.

Lalo cung n~gumiti't siya ay man~gusap ay isa nang toua nang magcacapalad, at cung sa pintuan siya'y lumalabas anhin mo'y ang talang bagong sumisicat. Caya caming lahat ay natitiguilan sa hindi maisip naming carikitan, sa Francia, at cahit sa ibang Reyno man doon ay uala nang maca-áagapay.

Icao caloloua co,i, mag handóg nang puri sa Dios, at houag mong limutin ang di maisip na caniyang ipinagcaloob sa iyo. Ang Dios ang nag patauad sa iyong man~ga casalanan, at ang dilang saquit mo,i, guinagamòt, niya nang caniyang aua. Ang ganitong pag papala mo sa aquin ay isinisiualat nang caloloua co sa sang daigdigang pinaghaharian mo, at inaanyayahang con mag puri sa iyo ang boo mong quinapal.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap