United States or Greece ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pawiin sa puso ang m~ga nangyari At iyong alaming may ban~go ka't puri, Samantalang gayon, ako'y nagsisisi At binabawi ko ang m~ga sinabi. N~guni't isang tanong: ¿Kaya ang patawad Sa namaling puso ay iyong igawad? Ang m~ga luha ko'y siyang ihuhugas Sa napaligaw ko't nagsisising palad. = Ang hamak na palad ...=

Nakikita, mo mang ako'y tumatawa nama'y tawang pilit at busog sa dusa, di lahat n~g n~giti'y lagda n~g ligaya, may n~giting singpait n~g luha't parusa. Ang nakakatulad nitong aking buhay ay mundong ulila sa sikat n~g araw, katulad ko'y isang prinsipeng mayaman na uhaw at salat sa aliw at layaw.

Tanang man~ga taong pinaghihirap ko'y pinipilit namang pinayayaman mo n~gayo'y kinuha kong buhay nitong tao ay muli mo naman na buhayin ito. Kaya ang ginawa nang mahal na Hari ay sa Arzobispo ay isinangguni anang Arzobispo ikaw ay magwari pagka't sa matuwid ang gawa mo'y sawi.

¿Ang santong religion baga ang may halál n~g ganoong m~ga palakad sa bayan? sa banta ko'y hindí at ang kabanalan ay nagnanasang mag imbot n~g yaman. Kung sa bagay amin namang natatatap na kayo ay walang ibang paghahanap at may ilang tawo na kinakagawad na nan~gagaantay n~g ano pang bayad.

Ako'y hindi mataas magsalita. ¿Ano ang aking ipagmamataas sa ang uri ko'y mababa rin namang katulad ng iba? Datapwa't ang kanyang ginawa ay nakaririmarim na gaya ng pusali na amoy lamang ay nakasasama ng sikmura. Hindi ko nga siya sinagot at siya'y pinatawad ko pa, at kung kami'y magkikita ngayon ay hindi niya ako kahahalataan ng sama ng loob. Ang tatay ko'y lumakas.

Ang kahihinatnan ay ano pa n~gayon nang iyong pagsinta na ilinulun~goy ibig ko mang dinggin ang iyong pagtaghoy di na mangyayari't wala nang panahon. Walang sinisisi ako kundi ikaw sa iyong nasapit na pagkaparawal n~gayo'y ibig ko mang hirap mo'y lunasan ¿anong gagawing ko'y puso ka na lamang?

MAR. Oo n~ga, ang damdam ko'y makaliligaya. Oh bunsong ligaya niyaring aming dibdib bulaklak n~g tua't bun~ga n~g pag-ibig iyong halamanin sa lináng n~g dibdib itong tagubiling aking ihahasík. Unang una bunso'y tibayan ang loob n~g m~ga pag-asa sa totoong Dios at ang ikalawa'y huag kang lilimot n~g m~ga pagtupád sa banál na utos.

Ang m~ga titig mo'y may saklaw na lihim, at maraming bagay ang ibig sabihin, n~guni't sa palad ko'y isang suliraning nagkakahulugang ako'y ginigiliw.

N~guni ang hilíng ko'y isang kasayahan na makapapawi sumimot n~g lumbay oo n~ga Marcela't ang lahat n~g iyán sa araw n~g bukas ay magagampanán. N~guni tulutan mo na kita'y lisanin si ama't si ina'y iníp na sa akin at baka ano nang kanilang isipin magmula kan~gina n~g di ko pagdating.

Malayó ako sa, pagpapasampalataya, pag didiosdiosan, paghalili kayá sa Dios, paghahangad na paniwalaa't pakingang pikit-mata, yukó ang ulo at halukipkip ang kamay; ñguni't ang hiling ko'y magisip, mag mulaymulay ang lahat, usigin at salain kung sakalí sa ngalan ng katuiran itong pinaninindigang mga sabi: Ang una-una. "Ang ipinagiging taksil ñg ilan ay nasa kaduagan at kapabayaan ñg iba."