United States or Yemen ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nakikita, mo mang ako'y tumatawa nama'y tawang pilit at busog sa dusa, di lahat n~g n~giti'y lagda n~g ligaya, may n~giting singpait n~g luha't parusa. Ang nakakatulad nitong aking buhay ay mundong ulila sa sikat n~g araw, katulad ko'y isang prinsipeng mayaman na uhaw at salat sa aliw at layaw.
Ang nakakatulad n~g aking pag-giliw ay isang pulubing dumadaing-daing na sa kanyang taghoy at pananalan~gin ay walang maawang maglimos n~g aliw! Kanyang sinusubok ang aking pagsuyo, kanyang tinatarok ang luha n~g puso, kanyang binabasa sa pamimintuho yaong katunayan n~g sinamo-samo.