United States or Bangladesh ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa kasaysayang ito ay di ko muna inilakip ang sa m~ga taong gubat at ang sa kamorohan, sapagka't ang una ay di pa lubhang kilala ang wika sampú nang boong paraa't ayos n~g pamumuhay, saka kapua may kahabaang salaysayin lalong lalo na ang sa kamorohan na may kilala't sariling kasaysayang nain~gatan; at dahil sa m~ga dahilan ito ay minagaling kong unahin itong pinakamahalaga sa atin upáng huag lubhang humab
Ang sakbat na kagamitan ay sibat na kawayan ó san~ga kaya n~g kahoy at, pana't busog na may lason na kanilang ginagamit sa ano mang lakad nila. M~ga totoong magiliwin sa tugtugin at ang kanilang m~ga instrumento ay buho't kawayan. May sarisaring sayaw sila, na tinatawag nilang sayaw kamote, sayaw pagong, sayaw pan~gin~gibig sayaw pakikihamok at iba pa na may kahabaang saysayin dito kung papaano.