United States or Qatar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang m~ga taga Bisaya naman ay karaniwang naglilibing sa m~ga yun~gib n~g m~ga bundok at ang tabi n~g libin~gan ay hinahainan n~g m~ga pagkain at sinisipin~gan n~g kaban n~g damit at kung lalaki ay sinisipin~gan n~g m~ga kasakbatang ginagamit nila gaya n~g sibat kalasag at ibp. tuloy pinababaunan n~g m~ga kambing baboy usa at ibp. at kung sakaling naging matapang at mabuting mangdidigma, ay sinasamahan n~g aliping may sakbat; kung sakaling magdaragat ang m~ga kasangkapan naman sa pagdaragat at sinasamahan kung minsan n~g m~ga mangagaod at m~ga alipin na kanyang makakatulong at ang tawag dito n~g m~ga taga Bisaya ay bálon na sa Tagalog ay baon ; at kung babae naman ay m~ga kagamitan n~g babae ang isinisiping gaya n~g m~ga panghabi kayo at ibp.
Ang sakbat na kagamitan ay sibat na kawayan ó san~ga kaya n~g kahoy at, pana't busog na may lason na kanilang ginagamit sa ano mang lakad nila. M~ga totoong magiliwin sa tugtugin at ang kanilang m~ga instrumento ay buho't kawayan. May sarisaring sayaw sila, na tinatawag nilang sayaw kamote, sayaw pagong, sayaw pan~gin~gibig sayaw pakikihamok at iba pa na may kahabaang saysayin dito kung papaano.
Salita Ng Araw