United States or United Arab Emirates ? Vote for the TOP Country of the Week !


In~gatan nang pan~ginoon ang puri nang alila, at gayon din naman ang alila sa pan~ginoon, at houag iba bantóg cun may maquitang camalian, lalo,t, cun icasisira nang puri ay pacain~gatan. Capagnan~gahas manira, ay pan~gin~gilagan, mapaguiuicaan na ualang inin~gat na bait.

Sa caniyang man~ga sulat sa capatid na Feliza, ay macapupulot ang dalaga, macapag aaral ang bata, maca aaninao ang may asaua, macatatahó ang binata nang aral na bagay sa calagayan nang isa,t, isa. Cay Feliza, mag aaral ang dalaga nang pagilag sa pan~ganib na icasisira nang calinisan; at ang caniyang magandang asal ay magagauang ulirán nang ibig mag in~gat nang cabaitan at loob na matimtiman.

Cahit paghandogán nang boong cayamanan at caran~galan sa mundó, cahit pagpisanan nang lahat nang hirap, cahit icatapos nang buhay, ay di magpapahamac gumaua nang icasisira nang sariling puri, palibhasa,i, natatanto yaong matouid na hatol nang Dios Espíritu Santo na isinulat ni Salomon: magpilit cang magin~gat nang magandang pan~galan, ang cahuluga,i, magmahal ca sa asal.

Cun maquilala co na ang caniyang pagibig ay di paimbabáo, asal niya,t, asal co ay nagcaca-isa, ang magugulang niya,t, man~ga capatid ay macacasundo co, ay asahan mo, ina, na aco ay caniya, n~guni cun sa caniyang familia, ay may ipipintás ang tauo sa bayan, at ang capintasang ito ay icasisira nang ating puri, ay ipahintulot mo, ina, na di co ipayag sa caniya ang aquing puso, at inaasahang co naman na ang sagót cong hindi , ay di mo icapopoot.

Diyata,i, pinatotohanan co sa iyo na ualang mabisang lasong icamamatay nang ating catauan na sucat mapara sa lasong taglay nang masasamang libro; lasong sacdal nang bisa sa icasisira nang pananampalataya,t, icamamatay tuloy nang ating caloloua; lason n~gang camatay-matay na capag nahahalata nating nasisilid sa ano mang casulatan ay catungculan nating pan~gilagan, at cun dili,i, magcacamit tayo nang mabigat na casalanan cun ituloy nating basahin.

Cun ang matá nang anac na dalaga ay mahinhing para nang sa calapati, malayo ang loob, ilág ang catauan sa dilang pan~ganib na icasisira nang calinisan, hindi maibiguing tumanyag sa tauo, at di nahihinguil sa pag aasaua, ay di catampatang pilitin nang magulang. Pabayaang mag in~gat nang: pagca Virgen, at nang magcaroon cayo sa bahay nang maputi,t, maban~gong lirio na quinalulugdan nang esposo.

Caya uala acong sucat maihatol sa caniya, cun di ang ilagui ang loob sa cabaitan, magpasalamat sa Dios at ipinagtangcacal ang caniyang calinisan sa pan~ganib na icasisira, at ang tularan niya,i, yaong calolouang nagpasalamat sa Dios, at ang saysay: aco,i, magpupuring palagui sa iyo, Dios cong nagtangcacal sa aquin, at iniadía mo ang calinisan co sa capahamacan.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap