United States or Algeria ? Vote for the TOP Country of the Week !


Caya cun ang anac nilang dalaga ay naquiquitang may bait, maibiguin sa calinisan, mababang loob, may tacot sa Dios, at ang caniyang pagca vírgen ay ina-alagaan na parang lirio na binacod nang tinic, nang pag papasáquit sa catauan, nang pananalan~gin nang palaguing pagligpit sa silid at pag ilag sa pan~ganib, ay di dapat pilitin sa pag aasaua.

Ang puring inin~gat nang aquing pusong daong na marupóc, cun pagtulong-tulon~gang hampasin nang marahás na han~gin nang hibo,t, paraya, cahit anong bait, cahit anong hinhin, cahit anong ilag ang aquing gamitin, at ipagsangaláng cun mapag-isa na,t abotin nang hina, at aco,i, hapoin sa catiyagaan ¿masasabi co cayang dili mababagbág sa laot? ¿Di caya isang capan~gahasan, cun aquing uicain na ang capurihan co at calinisan, ay ma iin~gatan co rin sa calaguitnaan nang suson-susóng pan~ganib? isang capan~gahasan at isang caulolan.

Cun ang matá nang anac na dalaga ay mahinhing para nang sa calapati, malayo ang loob, ilág ang catauan sa dilang pan~ganib na icasisira nang calinisan, hindi maibiguing tumanyag sa tauo, at di nahihinguil sa pag aasaua, ay di catampatang pilitin nang magulang. Pabayaang mag in~gat nang: pagca Virgen, at nang magcaroon cayo sa bahay nang maputi,t, maban~gong lirio na quinalulugdan nang esposo.

¡Tayo pala, ang sigao nang isang matanda na Capitang pasado, na ang ñgala,i, Pedrong Ilag, tayo pala,i, mahal ding tauo, at mayroon tayong mañga cababayan na mañga señorita!"

Ito ang dahilan, Feliza, nang pagilag ni Amadeo sa masamang pagiibigan, caya malayong malayo, at ilág na ilág sa man~ga batang hilig sa calupaan. Di naquiquipagpulong sa man~ga lansan~gan at sa pagiinoman. Sa umaga, bago patun~go pa gagauin, ay nagsisimba muna at ang sinusunod yaong hatol nang ating P. J. C. sa Santo Evangelio.