United States or Tonga ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun pinagcalooban nang Pan~ginoong Dios nang cagandahan, ay alagaan at paca-in~gatan na parang isang lirio, bacuran nang cabaita,t, tinic nang cahinhinan at nang di pan~gahasang pitasin nang salangapang na camáy.

Si Santa Lucia virgen, Santa Filomena, Santa Ursula at libo-libong virgenes na casama niya, ay sa mundò na buhay, ay naca pag in~gat at nang pumanao sa mundó ay taglay ang lirio nang canilang pagca virgen, na inihandóg sa virgeng esposo. Cun ang dalaga,i, may tacot sa Dios at napa aampon, ay di mapapahamac; at pag dating nang tucsó ay iin~gatan siya nang Dios at ipag tatangól sa casamaán.

Caya cun ang anac nilang dalaga ay naquiquitang may bait, maibiguin sa calinisan, mababang loob, may tacot sa Dios, at ang caniyang pagca vírgen ay ina-alagaan na parang lirio na binacod nang tinic, nang pag papasáquit sa catauan, nang pananalan~gin nang palaguing pagligpit sa silid at pag ilag sa pan~ganib, ay di dapat pilitin sa pag aasaua.

URBANA: N~gayong á las seis nang hapon na pinagugulong nang hari nang astros ang carrusang apuy, at itinatago sa bundoc at cagubatan, ipinagcacait sa isang capuloan ang caliuanagan, at sa alapaap ay nagsasambulat nang guinto,t, púrpura: ang mundo,i, tahimic, sampuo nang amiha,i, hindi nag tutuli,i, nagbibigay alio, ang man~ga bulaclac, ay nan~gag sasabog nang ban~gong inin~gat sa doradang caliz; ang lila,t, adelfa na itinanim mo sa ating pintoan; ang lirio,t, azucena; ang sinamomo,t, campupot na inihanay mo,t, pinag tapattapat sa daang landas na ang tinutun~go,i, ating hagdanan; oras na piniling ipinagsasaya, nan~gagsisin~giti,t, ang balsamong in~gat ay ipinadadala sa hihip nang han~gin; mapalad na oras na ipinag lilibang nang camusmusán ta, ipinagpapasial sa ating halamanan.

Sa pakikidigma at pamimiyapis ang alay n~g iba'y ang buhay na kipkip, walang agam-agam, maluag sa dibdib, matamis sa puso at di ikahapis. Saan man mautas ay di kailan~gan, cípres ó laurel, lirio ma'y patun~gan pakikipaghamok, at ang bibitayan, yaon ay gayon din kung hiling n~g Bayan.

Cun ang matá nang anac na dalaga ay mahinhing para nang sa calapati, malayo ang loob, ilág ang catauan sa dilang pan~ganib na icasisira nang calinisan, hindi maibiguing tumanyag sa tauo, at di nahihinguil sa pag aasaua, ay di catampatang pilitin nang magulang. Pabayaang mag in~gat nang: pagca Virgen, at nang magcaroon cayo sa bahay nang maputi,t, maban~gong lirio na quinalulugdan nang esposo.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap