United States or Norway ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pagcaraan nang labin dalaoang taon, ay tinucsó at pinagdayaan nang Demonio, na nag anyong Angel na magaling, ayong sa ipinahayag niya sa hulíng panahon, at nag bago na n~ga nang loob, at inisip na siya ay dapat magculong sa isang monasterio, at nasunod ang nasá niya; datapua mulâ niyon ay naualan siya nang catahimican at capayapaan, palibhasa ay naligao, at lumihis sa daang itinuró nang Dios, at bagaman pinagsaquitang ganapin nang tapat ang man~ga catungculan nang bagong calagayan, ay hindi napapaui ang balisa at pamamanglao niya, at ang nasapit ay huminá ang cataoan, at nahapay ang loob, at pilit na umuî sa bahay.

Ang quinahinatna,i, siya,i, nagcasaquit cataua,i, humina,t, naratay sa baníg, sa canya ay uala sinomang nalapit na tumin~gin baga at mag malasaquit. Sa bahay na canya na tinutuluyan hindi naman siya pinaquiquialman, maliban cay Juang canyang caibigan ang napaparoo,t, siya,i, dinadalao.

Yaong man~ga tauong madaling sipunin ay caya malacas dumopoc at humina ang canilang catauan, sapagca totoong nag-iin~gat sila sa han~gin, at ang ibig nila ay ang tumahan doon sa may sara ang lahat; bago,i, ang canilang sucat gauin, ay lumabas at manaog sa lupa, at uminom nang malamig na tubig: at capag namihasa na sila sa ganitong gaua, ay lungmalacas at gungmagaling ang pagcaramdam.

Walang anó anó, sa gitnâ n~g katahimikan ay nadin~gig ang yabag n~g isang kabayo sa may hulo n~g nayong Masantol na nalalayo sa bayan n~g may m~ga limang libong dipá. Ang takbong matulin n~g kabayo'y humina n~g nalalapit na sa nayon, at n~g natatanaw na ang unang bahay ay huminto at ang nakasakay ay lumunsad.