United States or Croatia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Di pa tapós ang salita nitong nagbalita, ay may dumating pang isa na nag sabi naman: ang man~ga anac mong babaye,t, lalaqui, aniya,i, nag si cain sa bahay nang capatid na pan~ganay, caraca-raca,i, dumating ang isang bag-yo na galing sa parang, nauasac ang apat na suloc nang bahay, nahapay, nadaganan at namatay na lahat ang anac mo, aco lamang ang naca ligtas at nang sa iyo,i, maca pag sabi.
Sinaysay ni cabezang Angi ang lahat, na ualang inilihim, at nang mabalitaan ni Pili ang nangyari sa caniyang capatid, ¡ay ina co! parang natangal ang lahat nang litid nang caniyang cataouan, caya magpacalacas-lacas man siya,t, magpacatibay-tibay man nang loob, ay nahapay rin siya. Sinabi co cañgina, na ang catauoan ni Felicitas doon sa panahong yaon, ay buto,t, balat lamang.
Salita Ng Araw