United States or Austria ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang canta nang mañga cantores , ay tila mandin maririquit sa dating quinacanta nila sa mañga libing. Caya ang uica co cañgina, na uala acong naquita, at uala acong nabalitaan libing, na para nang guinaua cay Pili.... Natapos na ang libing, at ibinaon sa panteon ang bangcay ni Felicitas, at nagsioui na sa cani-canilang bahay ang mañga naquiquipaglibing sa caniya.

Datapoua,t, ngayo,i, dadagdagan co ang aquing sinalita cañgina, at sasabihin co , sa inyo, na ang nangyari sa mag-anac ni cabezang Andrés Baticot, ay hindi caraniuang nangyayari sa iba, cundi parang isang pagcacataon lamang; caya hindi dapat na cayo ,i, tumungton diyan sa nangyaring iyan, sa pagpapatibay nang pasiya ninyo, na di umano,i, masamang totoo, na ang mañga indio,i, nag-aaral nang uicang castila, ó iba pang bagay na carunungan sa Maynila.

Caya, ang uica co sa iyo cañgina, at inuulit co ñgayon, at uulitin cong magpacailan man, na, ang caramihan, sa macatouid baga, na sa sanglibong indiong nag-aaral sa Maynila, ay ang siam na raan at limang puo,i, ualang ibang natutuhan doon cundi mañga capalaluan, mañga casalbahian, mañga casalauolaan, mañga calayauan nang catauoan at ibang ganganito, at tinutunao pa nila ang salapi nang canilang magugulang.

Cami, po,i, inyong patatauarin, at cayo, po,i, pinaantay namin diyan sa hamogan. Uala, , ang sagot co, uala, , acong sucat na ipatauad sa inyo, at uala, , cayong casalanan, sapagca,t, inaagapan co ang aquing pagparito. ¿At comusta , , cayo? Cayo, , yata,i, naligo cangina sa bucal.

At saca, paglibhasa,i, dati-dati ay maguinhaua ang canilang tayo, at ñgayo,i, mahirap na, ay ga quinucutcot ang calooban nang isa,t, isa nang pag-aalaala nang canilang dating calagayan, at tila sumasama at tumatabang ang canilang loob, na cung minsa,i, tumutulo pa ang luha sa canilang mata. At cung caya ang uica co cañgina,i, nasira ang canilang capayapaan.

Ang una-unang ibig co pong maalaman ninyo, ay ang naguing buhay cong magmula sa pagcabata co, na hangan dito sa oras, na hinaharap natin, at saca,i, sasalaysayon co, , sa inyo ang puno at dahilan nang pagcagalit co sa inyong salita cangina. Cayo, , ang bahala, ang sagot co. Umupo lamang tayo dito sa papag, at habaa,t, habaan, po, ninyo ang inyong salita, na hindi co, po, cayong cayayamutan.

Sinaysay ni cabezang Angi ang lahat, na ualang inilihim, at nang mabalitaan ni Pili ang nangyari sa caniyang capatid, ¡ay ina co! parang natangal ang lahat nang litid nang caniyang cataouan, caya magpacalacas-lacas man siya,t, magpacatibay-tibay man nang loob, ay nahapay rin siya. Sinabi co cañgina, na ang catauoan ni Felicitas doon sa panahong yaon, ay buto,t, balat lamang.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap