United States or Burundi ? Vote for the TOP Country of the Week !


Túnay n~ga! ang bulóng ni capitana Tinay, na nagtataca sa carunun~gan n~g dalawa; ¿saan ninyó kinucuha ang ganyáng pagcagagaling na m~ga pan~gan~gatuwiran? ¿N~guni't ang "excomunión" at ang pagcapacasama? ang itinutútol namán n~g Rufa. ¿Anó ang capacanán n~g m~ga dan~gal at n~g capurihan sa búhay na itó cung mapapasasama naman tayo sa cabilang búhay?

Dumaraang madali ang lahat ... datapuwa't ang excomunión ... sumirang púri sa isang kinacatawan ni Jesucristo ... ¡iya'y ang Papa lamang ang nacapapapatawad!

Waláng guinágawâ si María Clara cung tuman~gis at áyaw pakinggan ang m~ga salitáng pang-alíw n~g canyang tia at ni Andéng na canyáng capatíd sa gátas. Ipinagbawal sa canyá n~g canyáng amá ang pakikipag-úsap cay Ibarra, samantalang hindî kinácalagan itó n~g m~ga sacerdote n~g "excomunión."

¡Huwág cang umiyác anác co! ang sinasabi ni tía Isabel, na pinupunasan n~g gamuza ang maniningning na m~ga salamíng pan~gáninuhan; siya'y cácalagan n~g excomunión, man~gagsisisulat sa Santo Papa ... magbibigay táyo n~g malakíng limós ... Hinimatáy lamang si párì Damaso ... ¡hindî namátay!

Iyán din n~ga ang iniisip co Isabel; si don Crisostomo'y mayaman ...¡cayâ lámang nagaasawa ang m~ga castila'y sa pag-ibig sa salapi ... datapuwa't ¿anó ang ibig mong aking gawín? Pinagbalaan nilá acông lapatan n~g isá ring excomunion ... sinasabi niláng lubhâ raw nan~gan~ganib, hindî lámang ang akíng cáluluwa, cung namán ang aking catawán ...¡ang catawán! ¿naririnig mo? ¡ang catawán!

¿Anó ang sabi ninyó? Tunay po; may isáng taón na pong hinampás n~g tungcód ang coadjutor, at ang coadjutor ay sacerdoteng gaya rin niyá, ¿sino po ang pumapansin sa m~ga excomunion? Natawanan ni Ibarra si Elías na nasa casamahan n~g m~ga manggagawa; binati siyá nitóng gaya rin n~g iba, n~guni't sa isáng tin~gin ay ipinaunawa sa canyáng may ibig na sabihin.

Cung paano ang cabaitan at cabanalan ni María Clara sa canyáng pagcabinyagan, gayón din ang canyáng pagcamasintahin sa canyáng m~ga magugúlang. Hindî lámang nacapagbíbigay tácot sa canya ang excomunión ang utos n~g canyang ama't ang pinagbabalaang catiwasayan nito'y páwang humihin~ging inisin niyá ang canyáng pagsintá at ihayin sa gayóng m~ga dakílang catungcúlan. Dinaramdam niyá ang bóong lacás n~g pagsinta cay Ibarra, na hanggang sa sandaling iyo'y hindî man lamang niyá hinihinal

Pamasoc po cayó, ang sabi n~g tía sa pamamag-itan n~g caniyáng haluang wicang castila; Maria, napasauli-uli sa gracia n~g Dios si don Crisóstomo; inalsán siyá n~g "excomunión" n~g Arzobispo. N~guni't hindi nagatulóy ang binata, naluoy sa canyáng m~ga labi ang n~giti at tumacas sa caniyáng alaala ang salita.

¿Hindi na ba sumulat uli sa iyo? ang tanong na marahan n~g may sakit. ¡Hindi, marahil siya'y totoong maraming guinagawa! ¿Hindi ba nagpapasabi sa akin n~g ano man? Walang sinasabi cung di canyang pagpipilitang siya'y alsan n~g Arzobispo n~g excomunión upang.... Inihinto ang salitaan, sa pagca't dumarating ang tía.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap