United States or Aruba ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang utos niya sa aquin ó sintá co't, aquing guilio, ganito ay iyong dinguin at aquing ipagtuturing. Yaong bundóc na nariyan aquing palacarin naman, at caniya rao maguisnan sa tapát nang durungauan. At ang hanging magahasa doon sa bundóc tatama, at sa pág-ihip na biglá ay pumasoc sa bintana. Sagót ni doña María cun yaon ang utos niya, huag cang mag-ala-ala aco'i, siyang bahala na.

Ang uica'i, itiguil muna ang pagtugtog nang música, ang negrita'i, tatanong na sa negrito na casama. ¿Diyata't, di mo quilala yaong si doña María! ay hindi ang sagót niya cun sino't, cun alín siya. Anitong negrita naman sasabihi'i, paquingán, at nang iyong maalaman nagligtás sa iyong buhay. Hiniling sa iyo naman mataas na cabunducan, at doon nga maguiguisnán sa tapát nang durungauan.

Sa canilang salitaan ay parang isang catauán nang magmamadaling arao ang princesa, ay nagsaysay. Don Jua'i, matulog ca na at baca napupuyat ca, aco'i, siyang bahala na sa poon cong haring amá. Nang oras ding yaón naman lumacad ang cabunducan, doon niya pinatahán sa bintanang durungauan. Nang ito ay mayari na á las cuatro nang umaga, ang princesa'i, pumanhic na na di namalayan siya.

Anitong hari at badyá. yamang pangaco nang una, na sa utos cong lahat na don Juan ay susunód ca. Anang príncipeng daquila yao'i, totoó cong uica, utos mo po cun masira ibig co pang mamatáy nga. Ang uica nang haring mahal ganito'i, iyong paquingan, at nang iyong maalaman itong aquing cautusán. Ang ibig co ngayon naman yaóng bundóc na nariyan, ay dito sana malagay sa tapat nang durungauan.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap