United States or Indonesia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ay ano'i, nang matapos na don Jua'i, tinauag niya, naparoon capagdaca at siya'i, naquipagquita. Ang uica nang haring mahal pumanhic cang magtuluyan, isinagót niya naman aco po ay pag-utusan. Capagcaraca'i, quinuha ang frascong iningat niya, ang hari ay nanaog na ang príncipe ay casama. Don Juan ngayo'i, tingna mo ang aquing hauac na frasco, at ang nasisilid dito labing-dalauang negrito.

Papaluin capagcuan ang negritong calibaran, cun ano't, ang nasasactán ang príncipeng si don Juan. Uiuicain nang negrita diyata't, totoó bagá, sa loob mo'i, nauala na yaong mahal na princesa. Papaluing ualang tahan ang negritong caagapay, boong cataua'i, nag-latay nang príncipeng si don Juan. Ang uica ni doña María tugtuguin yaong música, nagsayáo na mulí bagá ang negrito at negrita.

Sagót ni don Jua't, badyá ó poon co't, aquing sintá, ganito'i, paquingan niya utos nang mahal mong amá. Negrito niyang laruán sa tubig ay pinaualán, itong frasco ay iniuan at mulí cong isilid dao. Na hustong labing-dalauá ang negritos na lahat na. capag nagculang nang isa búhay co ang cahalagá. Ang sagót ni doña María ó don Juang aquing sintá, cun yaón ang utos niya huag cang mag-ala-ala,

Ito'i, aquing pauaualán sa tubig nang caragatan, isilíd mong ulí naman sa frascong quinalalag-yan. Isa ma'i huag magculang sa negritong pauaualán, huag namang mapalita't, capalit ang iyong búhay. Pinaualán nanga rito labing dalauang negrito, at nag-uica nang ganitó ang haring si don Salermo. Sa umagang mag-almusál sa lamesa cong cacanan, maquiquitang ualang culang negritos cong pauaualán.