United States or Zambia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang utos niya sa aquin ó sintá co't, aquing guilio, ganito ay iyong dinguin at aquing ipagtuturing. Yaong bundóc na nariyan aquing palacarin naman, at caniya rao maguisnan sa tapát nang durungauan. At ang hanging magahasa doon sa bundóc tatama, at sa pág-ihip na biglá ay pumasoc sa bintana. Sagót ni doña María cun yaon ang utos niya, huag cang mag-ala-ala aco'i, siyang bahala na.
Ay ano'i, nang maguising na itong daquilang monarca, bintana'i, binucsán niya at nanungao capagdaca. Milagro manding daquila nang Dios na macalinga, isang hanging magahasa sa bundóc baga'i, tumama. Sa simbuyóng calacasan bilis nang hanging amihan pumasoc sa durungauan nang haring Salermong hirang. Nanguilalás nanga rito sampóng loob ay naguló at hindi niya matalo ang príncipeng naparito.
Salita Ng Araw