United States or Monaco ? Vote for the TOP Country of the Week !
Napagtatalastas niyá ang canyáng cahirapan, nalalaman niyáng sa canyá'y walá sino mang tumitin~gin at sampò n~g canyáng asawa'y hindî siyá ipinagmamalasakit; n~guni't tunay na alám niyáng siya'y ma'y capurihan at kinalulúgdan n~g madlá hanggáng sa horas na iyón; hanggang sa horas na iyó'y canyáng kinaháhabagan yaóng m~ga babaeng nan~gagdáramit n~g catawatawá na pinamámagatan n~g bayang caagulo n~g m~ga sundalo.
Nasasalubong niyá ang maraming m~ga cocheng hinihila n~g m~ga maiinam na m~ga cabayong maliliít, lulan n~g m~ga coche ang m~ga empleadong nacacatucatulog pa marahil ay pumapatun~go na sa caniláng m~ga oficina; m~ga militar, m~ga insíc na may anyóng hambóg at catawatawá ang pagcacaupô; m~ga fraileng hindî maimikin, m~ga canónigo at iba pa.
Bawa't araw na magdaan ay nararamdaman niyang lalong naguiguing mahal at lalong tumataas siya, at cung magpapatuloy ang gayong calacarán, paguiguing isang taó'y sasapantahain na niyang siya'y calahi n~g Dios. Hindi nacahahadlang ang m~ga dakilang caisipang itó, na hanggang nagdaraan ang araw ay lalo siyang tumatanda at lalong nagmumukhang catawatawa.