United States or Nepal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nasasalubong niyá ang maraming m~ga cocheng hinihila n~g m~ga maiinam na m~ga cabayong maliliít, lulan n~g m~ga coche ang m~ga empleadong nacacatucatulog pa marahil ay pumapatun~go na sa caniláng m~ga oficina; m~ga militar, m~ga insíc na may anyóng hambóg at catawatawá ang pagcacaupô; m~ga fraileng hindî maimikin, m~ga canónigo at iba pa.
¿Hindi pô ba cayó namatay? ¿Buháy pa ba cayó? ¡Alang-alang sa Dios, magsalita pô cayo! ang sabi n~g ilang m~ga empleadong punong-puno n~g tacot at pagmamalasakit. ¡Himala! ¡himala! ang isinisigáw n~g ilán. ¡Hali cayó at inyóng alisin sa pagca dan~gan ang bangcay n~g sawíng palad na itó! ani Ibarrang anaki'y náguising sa isáng pagcacatulog.
Man~ga bagay na hindî himalâ, m~ga bagay na hindi dapat pagtakhan; walang sinasaysay cung dî ang cactotohanan; nagcámalî aco, walang sinasaysay roon cung dî ang culabóng anino n~g catotohanan n~g m~ga nangyayari rito sa Filipinas na pananampalasan, pag-amis, paglapastan~gan, paninirang puri at walang licat na pan~gun~gulimbat sa m~ga filipino n~g m~ga fraile; ang m~ga pag-iríng at pagpapahirap n~g guardia civil dito, at ang m~ga hidwang cagagawan n~g ilan sa m~ga empleado at hindi empleadong castila.