United States or Vanuatu ? Vote for the TOP Country of the Week !
Napagtatalastas niyá ang canyáng cahirapan, nalalaman niyáng sa canyá'y walá sino mang tumitin~gin at sampò n~g canyáng asawa'y hindî siyá ipinagmamalasakit; n~guni't tunay na alám niyáng siya'y ma'y capurihan at kinalulúgdan n~g madlá hanggáng sa horas na iyón; hanggang sa horas na iyó'y canyáng kinaháhabagan yaóng m~ga babaeng nan~gagdáramit n~g catawatawá na pinamámagatan n~g bayang caagulo n~g m~ga sundalo.
Yaó'y isáng babaeng waláng tápis, dilaw at verde ang sáya at ang báro'y gasang azul; napagkikilala sa canyang pananamít na siyá'y isáng caagulo n~g sundalo. Nacaramdam si Sisa n~g isáng parang tampál: wari'y hinubdán siyá n~g babaeng iyón sa haráp n~g caramíhan.
Salita Ng Araw