United States or Afghanistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mapipilit ang iláng m~ga calooban, mapápatay ang iláng m~ga tao, n~guni't itó'y waláng cabuluhán: magpapatuloy n~g paglacad sa canyáng landás ang Pagsulong, at sa dugô n~g m~ga mabulagtá'y bubucal ang m~ga bago't malalacás na m~ga suwi.
Bawa't araw na magdaan ay nararamdaman niyang lalong naguiguing mahal at lalong tumataas siya, at cung magpapatuloy ang gayong calacarán, paguiguing isang taó'y sasapantahain na niyang siya'y calahi n~g Dios. Hindi nacahahadlang ang m~ga dakilang caisipang itó, na hanggang nagdaraan ang araw ay lalo siyang tumatanda at lalong nagmumukhang catawatawa.