United States or Libya ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nalalaman mo n~g casama mag-asawang doctor ang isang bagong guinoong may pagcacamag-anac ni pari Dámaso; kinacailan~gang huwag magculang n~g ano man. Na sa cabilang dulo n~g "comedor" ang magpinsang si Sinang at si Victoria, na napaparoo't sinasamahan ang may sakit. Tinutulun~gan sila ni Andeng sa paglilinis n~g m~ga cagamitang pilac sa pag-inom n~g chá.

Tulóy ang paggulong n~g coche: nacasasalubong n~g isáng carromatang híla n~g isá ó dalawang cabayo, na napagkikilalang galing lalawigan, dahil sa guarnición at iba pang cagamitáng pawang abacá. Pinagpipilitang makita n~g carromatero ang naglálacbay na nacasacáy sa maningning na coche at nagdaraang hindî nakikipagpalitan n~g cahi't isáng pananalitâ, n~g cahi't isang pakikipagbatîan. Cung minsa'y isáng carretóng híla n~g isáng calabaw na marahan ang lacad at parang waláng anó man ang siyáng nacawawalâ n~g capanglawan n~g maluluang at maalicabóc na m~ga lansan~gang napapaliguan n~g makináng na araw n~g m~ga "trópico" . Nakikisaliw sa malungcót at nagbábagong anyô n~g awit n~g namamatnugot na nacasacáy sa calabaw ang matinding calairit n~g tuyóng rueda sa pag-íkit na casama ang kinsékinsé n~g mabigát na carretón; cung minsan nama'y ang malagáslas na tunóg n~g gasgás na m~ga paa n~g isáng paragos, niyáng trineong sa Filipinas ay hinihilang napacabanayad sa ibabaw n~g alabóc ó n~g m~ga lubác sa daan. Sa m~ga capatagan, sa m~ga malilinis na lupang pinaghahalamanan ay nan~gin~ginain ang m~ga hayop na casama n~g m~ga tagác, na payapang nacadapò sa ibabaw n~g m~ga vacang capóng n~gumún~guyâ at linalasa ang m~ga sariwang damó n~g parang, na ipinipikítpikít ang m~ga matá,; sa dacong malayo'y m~ga babaeng cabayong nan~gagdadambahan, nan~gaglulucsuhan at nan~gagtatacbuhang hagad n~g isáng masival na potrong mabab

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap