United States or Iraq ? Vote for the TOP Country of the Week !


N~guni't nan~gagsitacas ang canyáng m~ga pagdidilidiling itó n~g canyáng makita ang muntíng bundúc-bunducan sa capatagan n~g Bagumbayan. Ang namûmucod na bundúc-bunducan sa isáng tabí n~g paseo n~g Luneta ang siyá n~g yóng umaakit sa canyáng ísip at siyáng sa canyá'y nagpapagunamgunam.

Nang canyáng lisanin ang bahay ni Crisóstomo, warì'y sirá ang isip na tumátacbong hindi nalalaman ang pinatun~guhan. Tinahac ang m~ga capatagan, dumating sa isáng gubat na totoong malakí ang pagcaguiyaguis; tinatacasan ang cabayanan, tinatacasan ang liwanag, nacaliligalig sa canya ang buwan, pumasoc siyá sa talinghagáng lilim n~g m~ga cahoy. Nang naroroon na'y cung minsa'y tumitiguil, cung minsa'y lumalacad sa m~ga di kilalang landás, cumacapit sa punò n~g malalaking cahoy, nababayakid sa m~ga dawag, tumátanaw sa dacong bayan, na sa dacong paanan niyá'y naliligo sa liwanag n~g buwan, nacalatag sa capatagan, nacahilig sa m~ga pampan~gin n~g dagat. Nan~gagliliparan ang m~ga ibong nan~gapupucaw sa caniláng pagtulog; nan~gagpapalipatlipat sa sa isá't isáng san~, nan~gaghuhunihan n~g matataos na tinig at tinititigan siyá n~g mabibilog na m~ga matá n~g nan~gaglalakihang m~ga panikî, m~ga kuwago at m~ga sábucot. Hindi silá tinitingnan at hindi man lamang silá náririn~gig ni Elias. Ang acal

Untiunting nan~gagcacatipon ang m~ga maygalit sa ilalim n~g aking pamiminuno, pinararami ang m~ga cawal co n~g aking m~ga caaway, at sa araw na mapagkilala cong aco'y macapangyarihan na, lulusong aco sa capatagan at tutupukin co sa apoy ang aking panghihiganti at ang aking sariling buhay! ¡At darating ang araw na iyan ó walang Dios!