United States or Kyrgyzstan ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡Huwag, huwag ca n~g cumanta! ang sigaw n~g alfereza, sa ganap na wicang tagalog, at tumindig na malaki ang balisa; ¡huwag ca n~g cumanta! ¡nacalalaguim sa akin ang m~ga tulang iyan! Tumiguil ang ul-ol na babae n~g pagcacanta: nagbitiw ang asistente n~g isang: ¡Aba! ¡sabe pala tagalog!

At pilac na lahat yaong man~ga silla gamit na cubiertos guintóng para-para, man~ga servilleta ay pulos pa tela may hilo de orong macaliligaya. Ang man~ga matamis sarisaring bagay sa lamesang perlas doon malalagay, man~ga asistente pagcain sa duiang ay tatlong castila bucod ang utusán.

¡Asistente, sabihin mo sa babaeng ito sa wicang tagalog, na siya'y cumanta! ¡hindi niya aco mawatasan, hindi siya marunong n~g castila! Nawatasan ni Sisa ang asistente at kinanta niya ang canción n~g Gabi.

Sumagot ang asistente sa isang hudyat n~g alférez: Oo po, guinoo, umalis na. Narin~gig ang masayang tawa n~g babae, at saca hinugot ang talasoc n~g pinto ... Isang sigaw, ang calabog n~g catawang natutumba, m~ga sumpa, atun~galan, m~ga tun~gayaw, m~ga hampas, m~ga tinig na paós ... ¿Sino ang macapagsasaysay n~g nangyari sa cariliman n~g silid na tulugan?

Nagpatuloy ang catahimican: humihin~gasing n~g malacas ang alférez; kinuha ang látigo n~g babaeng sa canya'y humihiwatig at tumitin~gin n~g m~ga matang wari'y tumatanong, at saca sa canya'y nagsabi n~g tinig na payapa at madalangdalang: ¿Ano ang nangyayari sa iyo? ¡Hindi ca man lamang nagbigay sa akin n~g magandang gabi! Hindi sumagot ang alférez, at ang guinawa'y tinawag ang "asistente."

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap