United States or Wallis and Futuna ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang tagatanod bilangguang may casunod na apat na sundalo'y inalis ang talasoc at binucsán ang pintô. Nan~gagsilabás ang isáng amoy na labis n~g bahò at isáng han~ging malapot at malamig sa macapál na dilim na iyón, casabáy n~g pagcárin~gig n~g iláng himutóc at pagtan~gis.
Sumagot ang asistente sa isang hudyat n~g alférez: Oo po, guinoo, umalis na. Narin~gig ang masayang tawa n~g babae, at saca hinugot ang talasoc n~g pinto ... Isang sigaw, ang calabog n~g catawang natutumba, m~ga sumpa, atun~galan, m~ga tun~gayaw, m~ga hampas, m~ga tinig na paós ... ¿Sino ang macapagsasaysay n~g nangyari sa cariliman n~g silid na tulugan?
Dalhin mo ang babaeng ito, anya; ¡pabigyan mo siya cay Marta n~g ibang baro at sabihin mo tuloy na gamutin! Pacanin mo siyang magaling at bigyan mo n~g isang magaling na higaan ... ¡icaw ang bahala, pagca siya'y inyong pinaglupitan! Bucas ay ihahatid siya sa bahay ni guinoong Ibarra. Pagcatapos ay sinarhang mabuti ang pintuan, inilagay ang talasoc at saca lumapit sa canyang asawa.