United States or Bolivia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nan~gagpacpacan ang m~ga cabataan, hinagcán siya ni María Clara: ang arda ang siyang instrumentong lalong tinútugtog sa lalawigang iyon at siyang nauucol sa gayóng m~ga sandalî. ¡Cantahin mo, Victoria, "Ang canción n~g Matrimonio"! ang hinin~gi n~g m~ga iná. Tumutol ang m~ga lalaki, at si Victoriang may mainam na voces ay dumaíng na siya'y namamalat daw.
"Ang canción n~g Matrimonio'y" isáng magandáng tuláng tagalog na nagsasaysay n~g m~ga cahirapan at m~ga calungcutan n~g matrimonio, na hindî binábangguit ang alìn man sa canyang m~ga catuwaan. Nang magcagayo'y hinin~gî niláng cumantá sí María Clara. Pawang malulungcot na lahát ang aking m~ga "canción". ¡Hindî cailan~gan! ¡hindî cailan~gan! ang sabíhan n~g lahát.
¡Asistente, sabihin mo sa babaeng ito sa wicang tagalog, na siya'y cumanta! ¡hindi niya aco mawatasan, hindi siya marunong n~g castila! Nawatasan ni Sisa ang asistente at kinanta niya ang canción n~g Gabi.