United States or Antigua and Barbuda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Malasin ang hibang, ang sira ang diwa, ang taong nanan~gis sa gabing payapa na minsa'y maiyak, at minsa'y matuwa. Malasin ang ayos n~g kahabaghabag n~g pusong dinusta n~g kanyang pan~garap; malasin ang luha, ang luha n~g palad, ang luhang nagmula sa kanyang pagliyag na pinagkaitan n~g tamis n~g lin~gap. Tuman~gis na muli!
Halika't sinagin sa luha n~g puso ang kulay n~g aking sinimpang pagsamo, halika't basahin sa pamimintuho ang gintong pan~garap n~g aking pagsuyo na nananawagan hanggang masiphayo", . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Dito na natapos yaóng panambitan, dito na naputol ang pananawagan n~g sira ang bait, n~g ulól, n~g hibang, n~g pusong ginahís at pinagkaitan niyang luwalhating katumbas n~g buhay.