United States or Qatar ? Vote for the TOP Country of the Week !
At lalò pa mangdíng nag-iibayo ang hapdî n~g m~ga ganitóng kasawîan kung siyá'y nakakasalubong sa daán n~g m~ga dating kakilala na pagkakákita sa kanyá'y walâ nang ibáng pan~gunang batì kundî ang isáng halakhák, ang isáng mutunóg na halakhák, ang isáng n~gitî, ang isáng mapagkutiyâng n~gitî; n~gitî at halakhák na kung minsa'y sinásabayán pa n~g isáng pagdalirì sa kanyá at n~g m~ga salitâng: Nariyán ang hampás-lup