United States or Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kahit na yata ang kanyang mga taynga ay takpan ng sapinsapin ay waring naririnig din niya ang tinig ng kampana. Kay saklap; Kinasal na si Leoning! Kinasal na ang nagi niyang irog. At habang ang tunog ng batingaw ay kanyang naririnig ay halos ang kanyang boong katawan ay nababalot ng dalamhati, ang puso niya ay sinasasal ng malakas na pagtibok. Si Leoning ay hindi na kanya, kasal na.