United States or Saint Martin ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang kanilang mga pusong malaong nagkasabikan, nagkalayong ngayon ay mapalad na pamuling nagkatagpo. Leoning ang panibukas ng binata anong hiwaga at ang magusot na siudad ay kinawilihan mong tunguhin? Nang una nga ay ni sa pangarap ay di man lamang sumagi sa aking gunita na ito ay aking maabot, datapuwa't sadyang ganito lamang ang panahon. Ni hindi ko rin nga akalain.
Alalahanin mong ang puso ko ay katulad ng isang bulaklak na kapag hindi nadilig na isang umaga ay nalalanta; kaya't kung malanta nga ang paglingap mo, ay! sa aba ko ay wala nang pagasa kundi ang tunguhin ang huling hantungan ng lahat. Eduardo, ang lahat ng iyan ay masasabi mo; nguni't pagdating mo marahil sa Maynila, ay pawi nang lahat sa iyong alaala ang mga pangungusap mong iyan sa harap ko.