United States or Solomon Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Itong man~ga tanda nang saquit na ito, ay catungculan nang man~ga médicong pag masdan nilang maigui, nang houag magcasala ang pag-gamot sa man~ga caaua auang maysaquit; cailan~gan namang usisain, at pacatalastasin nila ang pinan~gan~ganlang pulsong matigas, na pagca gayon, ay cailan~gang sangrahan ang maysaquit.

Gayon din ang mahinang tumiboc, ó mababa ó munti sucat maquilala nang alin mang tauo. Ang pulsong lungmiliban, ay na-aalaman ding nang lahat, sa macatouid: na yao,i, cun tungmitiboc nang macailan, saca napapatahan ó lungmiliban nang isang pagtiboc.

Ang isa pang totoong cailan~gang maalaman nang man~ga mangagamot, ay ang pinan~gan~galang pulsong matigas, na caya gayon ang tauag doo,i, sapagca cun tumiboc, ay anaqui cahoy, ó tangso, ó cuerdas nang guitarra ang nararamdaman, ó ang hungmahampas sa daliri nang pungmupulso doon. Caya cun ang pulso,i, matigas, cailan~gang sangrahan ang maysaquit.

Ang pulsong malambot magaling pa sa matigas; cun ang pulso,i, munti, madalas, at matigas pa, ay malaqui ang pan~ganib nang maysaquit. Mayroon namang pulsong hindi husay ó gulo; sa macatouid, cun mula sa isang pagtiboc hangan doon sa isa, ay hindi magcasinglauon ang man~ga pag-itan. Ang man~ga uusisain nang mangagamot cun siya,i, tinatauag nang maysaquit.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap