United States or Paraguay ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang ganitong asal sa sarisaring anak, ani Rizal, na ang m~ga anak sa tunay na asawa ay nagsisipagmana n~g magkakasindami; ang m~ga anak sa babaeng kinasama ay nagmamana n~g isang gayon; ang m~ga anak sa alipin ay hindi pinamamanahan n~g ano man, n~guni't pinapagiging laya sampu n~g kanilang Ina; at ang anak sa kaagulo ay inaaring masamang uri ay nagpapakilala n~g taos na katalinuan at bait n~g m~ga dating Tagarito.
Ang paraan n~g pagbabayad ay nag-aanyaya n~g m~ga tao ang alipin at sa harap n~g pan~ginoon at n~g m~ga kaibigan ay ginagawa ang pagbabayaran at iba pang kailan~gan. Di umano'y karaniwan ding ugali n~g m~ga Tagalog na sa oras n~g kamatayan ay pinapagiging laya n~g pan~ginoon ang m~ga anák n~g m~ga alipin na ipinan~ganak sa kanyang bahay.
At gayon din na kung ang sino mang laya ay magkaanak sa kanyang aliping babae ay pinapagiging laya ang anák sampu n~g alipin, na dili iba't siyang inugali ni Abraham kay Agar at kay Ismael.
Salita Ng Araw