United States or Jersey ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kung ang sino mang lalaki ay nagkaanak sa tunay na asawa at nagkáanák pa sa alipin ay hindi nagmamana ang sa alipin; n~guni't ang aliping naanakan ay pinapagiging-laya at ang anák ay pinagkakalooban n~g miski ano, na kung maginoo halimbawa ang lalaki, ay isang putol na ginto ó isang alipin kaya. M~ga anák sa asawa at m~ga anák sa babaeng kinakasama lamang.

Kung ang sino man ay nakapag-asawang makalawa at kapua pinagkaroonan n~g anák ay nagmamana ang isa't isa sa m~ga anák n~g ayon sa mana't bigay, kaya na ukol sa kanikanyang ina, at ang pag-aari n~g amá ay binabahagi sa lahat na walang palamang sa kanino man. M~ga anák sa tunay na asawa at m~ga anák sa alipin.

Ang m~ga anak lamang sa tunay na asawa ang nakapagmamana n~g katungkulan n~g magulang, ano pa't kung pan~gulo sa isang balan~gay ang magulang at mamatay ay ang pan~ganay sa m~ga lalaki ang humahalili at kung patay na ay ang pan~galawa; n~guni't kung walang anak na lalaki ay m~ga anák na babae ang humahalili n~g papagayon din, at kung sakaling walang anak ay kamag-anak na pinakamalapit ang nagmamana, na ani Rizal, ay siya ring kautusang pínanununtunan n~g m~ga anak-hari sa España, Inglaterra, Austria at ibp.

Kung ang isang lalaki ay nagkaanak sa asawa at gayon din sa isang babaeng laya na hindi asawa ay hindi nagmamana n~g magkakasingdami ang m~ga anák, kungdi ang dalawang ikatlong bahagi n~g tinatangkilik n~g amá ay iniuukol sa m~ga anák sa tunay na asawa at ang ikatlong bahagi ay sa m~ga anák sa babaeng laya na kinakasama lamang at di tunay na asawa. M~ga anák sa di asawa.

Kung walang kaanák-anák liban sa alipin lamang ay walang nagmamana, kungdi ang magulang ó nuno ó m~ga kapatid ó m~ga kamag-anak na malapit n~g namatay at ang ipinagkakaloob lamang sa m~ga anák sa alipin ay ang gaya rin n~g nabangit na. M~ga anák sa kaa~gulo. Ang m~ga anák sa kaaagulo ay hindi nagmamana n~g ano man at inaari pang masamang uri.

Ang m~ga anák at inapó n~g m~ga aliping itó, magíng namamahay at magíng sagigilir ay nagmamana n~g kalagayan n~g magulang, na siyang dating kaugalian sa halos lahat n~g lupaing malayo. At ang pagkaalipin nitóng m~ga aliping namamahay at sagígilir ay sari-sari, dahil sa mayroong buô ang pagkaalipin, at mayroong kákalahati at mayroon namang ikapat na bahagi lamang.

Ang ganitong asal sa sarisaring anak, ani Rizal, na ang m~ga anak sa tunay na asawa ay nagsisipagmana n~g magkakasindami; ang m~ga anak sa babaeng kinasama ay nagmamana n~g isang gayon; ang m~ga anak sa alipin ay hindi pinamamanahan n~g ano man, n~guni't pinapagiging laya sampu n~g kanilang Ina; at ang anak sa kaagulo ay inaaring masamang uri ay nagpapakilala n~g taos na katalinuan at bait n~g m~ga dating Tagarito.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap