United States or Eswatini ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa m~ga tunay na anák n~g mag-asawa. Ang tunay na magkakapatid sa ama't ina ay nagsisipagmana n~g magkakasindami, malibang ibigin n~g amá ó n~g iná na palaman~gan ang sino man sa kanilang anak n~g dalawa ó tatlong putol na ginto ó n~g isang hiyás kaya.
Ang ganitong asal sa sarisaring anak, ani Rizal, na ang m~ga anak sa tunay na asawa ay nagsisipagmana n~g magkakasindami; ang m~ga anak sa babaeng kinasama ay nagmamana n~g isang gayon; ang m~ga anak sa alipin ay hindi pinamamanahan n~g ano man, n~guni't pinapagiging laya sampu n~g kanilang Ina; at ang anak sa kaagulo ay inaaring masamang uri ay nagpapakilala n~g taos na katalinuan at bait n~g m~ga dating Tagarito.